Bida si Rocco Nacino sa six-part miniseries ng GMA News TV Channel 11 na Bayan Ko.
Mula sa direksiyon ni Adolf Alix Jr., ang Bayan Ko ay tatalakay sa mga pagsubok na kinakaharap ng isang young politician, si Mayor Joseph Santiago, na gagampanan ni Rocco.
Magsisimula ang miniseries na ito sa Linggo, March 10. Layunin ng programa na makapagbigay ng inspirasyon sa mga pulitiko at sa mga botante lalo na't nalalapit na ang halalan.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco sa taping ng Bayan Ko sa Tandang Sora, Quezon City kahapon, March 6.
Dito ay inilarawan ni Rocco ang kanyang ginagampanang papel.
“Ako si Mayor Joseph Santiago, the idealistic mayor na tapat at ayaw sa korupsiyon. Kaya kalaban niya si Tito Pen Medina.”
Sinong pulitiko ang naging inspirasyon para sa kanyang role?
Sabi ni Rocco, “Wala, fictional yung character.
“I don’t want to name names. May naging peg po, pero it was konting guide lang siya—to show good governance.
“Yun yung parang may peg kaming isang politician. So, doon medyo ginawa ang karakter.”
Na-excite daw agad si Rocco nang malamang siya ang napili ng GMA News TV na gumanap sa lead role ng Bayan Ko.
“Kasi, noong sinabi nga sa akin na ito raw ang unang miniseries….
“Although may clause na bawal mangampanya para sa mga tumatakbo ngayon, may mga nagsasabi na ito ang bayad….
“’Ha, ganyan pala ang bayad?’” natatawa niyang sabi.
Dagdag ng Kapuso young actor, “Pero, hindi ko nire-regret. Ang dami kong aral na nakuha dito.
“Naa-appreciate ko ang politics. Naa-appreciate ko na… mas nag-e-effort akong manood ng news ngayon.
“I got more than money. It’s experience and lesson.”
Naging malinaw raw kay Rocco, umpisa pa lang, na hindi siya puwedeng sumama sa campaign sorties kahit posibleng mas malaki ang kitain niya rito.
Saad niya, “Oo, sabi ko, noong tinanggap ko ‘to, okay lang na hindi unahin ang pera.
“Kasi, in the long run, ano ang mas… makakabit sa akin, ma-recognize ako sa project na ito.
“And probably, have more project in the future para mas mapag-ipunan ko yung mga hindi ko maipon through campaign.
“Mas okay ‘to. And at least, may billboard ako sa GMA!” natatawang sabi pa niya tungkol sa napakalaking billboard na makikita ngayon sa harap ng GMA Network building.
Mahirap bang gampanan ang karakter niya bilang si Mayor Santiago?
“Mahirap po, mahirap,” sagot ni Rocco.
“It’s way out of my my range, my age. It’s way out of my comfort zone."
PEN MEDINA. Sila ng batikang aktor na si Pen Medina ang gumaganap na magkatunggali sa Bayan Ko.
Kumusta ang unang beses na pakikipagtrabaho ni Rocco kay Pen?
“Noong una, talagang nai-intimidate ako. Sobrang I look up to him.
“Kapag pinapanood ko po siya, sobrang paniwalang-paniwala ako sa karakter niya.
“Ang galing niya, sobra!” bulalas ni Rocco.
Magkaaway ba sila rito?
“Opo nga, magkaaway pa kami.
“Sa isang eksena namin, meron kaming debate na muntik pang umabot sa suntukan. Ganoon kainit.
“So, na-appreciate ko ang eksenang yun na sobrang nagbabatuhan kami ng emosyon at linya.
“Ang sarap ng feeling na nakaeksena ko siya.
“Ang galing po niya, ang galing po niyang magsalita.”
Hindi ba siya tinuturuan ni Pen sa mga eksena nila?
Sabi ni Rocco, “Nakapag-workshop po ako sa kanya dati… dapat sa Indio po ako.
“From time to time, kinakausap ko siya.
“At plus point kung bakit ko tinanggap ito, e, di may libreng workshop ako kay Tito Pen.”
ROCCO ON POLITICS. Ngayong ginagawa niya ang Bayan Ko, mas nabuksan ba ang isipan niya sa pulitika at posible ba niyang pasukin ito?
“No, no,” nakangiti niyang sabi.
“Palagi kong sinasabi, leave it to people who know how to do it talaga.
“Ako, hindi ako lumaki dito kaya hindi ko alam ang tungkol sa Pilipinas. Hindi ko alam sa government natin.
“Kaya sabi ko, leave it to the experts.
“Mas kuntento na ko na nagtatrabaho ako bilang artista, bilang actor.”
Period na yun?
“Period, period,” sagot ni Rocco, na lumaki sa bansang Singapore.
Hindi ba siya na-inspire sa karakter niya?
“Of course, nakaka-inspire na ganitong tao in real life. But I’m guessing it has not to be me.
“Maybe some other person, but hindi ako.”
SHEENA HALILI. Kahit tungkol sa show ang dinayo ng ilang imbitadong entertainment press sa taping ng Bayan Ko, hindi pa rin nakaiwas si Rocco na matanong tungkol sa nangyari sa pagitan nila ni Sheena Halili.
May nagsabi kay Rocco na tila hindi pa rin nakaka-move on si Sheena sa nangyaring breakup nila, base na rin sa ipinu-post ng Kapuso young actress sa Instagram account nito.
“Siguro kasi, yun ang lesson nila for the day,” pagtukoy ni Rocco sa small group na kinabibilangan ni Sheena.
Sinabi rin ni Rocco na siguro raw ay kailangan nilang mag-usap na dalawa ni Sheena.
Pero paano sila makakapag-usap gayong pareho na nilang in-unfollow ang isa’t isa sa Twitter at Instagram account? Sabi rin ni Sheena ay wala na silang komunikasyon.
Ayon kay Rocco, “Siyempre po, bilang lalaki, ako na rin ang gagawa ng effort para makausap siya.
“But siguro rin, just one thing to ano… kapag may chance na hindi kami busy parehas, gagawa ako ng chance.”
Pero bakit nga ba tila hindi naging maganda ang breakup nila? Akala kasi ng marami ay okay sila, pero biglang hindi na pala.
“Well, sabi namin, pahinga muna,” sagot ng young actor.
May two months na rin daw silang hindi nagkakausap at nagkikita ni Sheena. Hindi rin daw sila nagkakaroon ng pagkakataon na magkita sa GMA-7 compound.
“Siguro hindi pa pagkakataon na mag-usap kami ngayon. Pero, I’ll talk to her siyempre.”
Malalim ba ang pinag-ugatan ng paghihiwalay nila ni Sheena?
“Yung rason siguro, I’d rather keep it to myself,” iwas ni Rocco.
May nagbanggit naman kay Rocco na nanalo si Sheena ng award sa Golden Screen TV Awards.
Sabi niya tungkol dito, “Oo nga, I want to congratulate her nga pala.
“Actually, hindi ako updated. Ang alam ko lang, nanalo sila Betong sa Bubble Gang kasi nakita ko sa Instagram.
“Of course, I’m still interested.
“Although hindi ko siya pina-follow, tinitingnan-tingnan ko rin ang Instagram niya, Twitter.”
UNFOLLOW. Sino ang nagsabi sa kanila na i-unfollow ang isa’t isa sa Twitter at Instagram?
“Wala, it happened lang,” sagot ni Rocco.
Nauna ba siyang i-unfollow ni Sheena?
“Hindi ko rin alam, kasi malalaman mo ba?”
Bakit niya in-unfollow si Sheena?
“Siguro para makapag-focus lang ako sa sarili ko.
“Kunwari, madalas kong makita ang mga post niya, mga tweet niya, palagi kong maaalala.”
Mutual ba ang breakup nila?
“In a way, in a way… pero magulo, magulo. Kailangan pa naming mag-usap para maging maayos ang lahat.”
Sa diretsuhang tanong, wala pa talagang maayos na closure sa pagitan nilang dalawa?
“Siguro, siguro… I’m just waiting for the right time na makausap siya.”
Alam naman daw ni Rocco na bilang isang lalaki, siya talaga dapat ang gumawa ng unang hakbang na makipag-usap o makipag-ayos.
Aniya, “Ako ang lalaki, e. Kahit paano, to give respect sa girl naman.
“No matter what the reason, lalaki talaga ang kailangan.”
Nasaktan din ba siya?
“Oo, oo… kahit paano. Both sides naman. Magaling lang akong magtago,” biro pa niya.
NO THIRD PARTY. Kahit ilang beses nang itinanggi at nilinaw ni Rocco na walang kinalaman ang naging leading lady niya sa afternoon soap na Yesterday’s Bride, si Lovi Poe, patuloy pa rin ang usap-usapan na ang aktres daw ang rason ng breakup nila ni Sheena.
Giit ni Rocco, “Ay no, no… I made it clear na rin sa H.O.T. TV na hindi talaga siya ang rason.
“There’s no third party. Yun talaga, maipapangako ko.”
Dahil ba sa ugali? May mga nadiskubre ba sila ni Sheena sa isa’t isa?
“Iyan, iyan ang sinasabi ko na dapat, sa amin na lang.
“Hindi na namin siguro dapat ipaalam pa sa mga tao o i-publicize, which is private thing, personal thing.
“Pero I have high hope na magkikita kami one time at mag-usap.”
Sa palagay niya, puwede pa rin silang maging magkaibigan ni Sheena?
“Of course, kayang-kaya yun,” sagot ni Rocco.
“She’s professional at kung bibigyan kami ng trabaho together, kaya ‘yan. Kakayanin ‘yan talaga.
“Very professional naman siyang talaga.”
Kumusta siya ngayon? May bago na ba siyang lovelife, dine-date, nililigawan?
“Ay, wala, wala,” nakangiting sabi ni Rocco.
“Wala akong oras diyan. Taping lang, trabaho na lang.
“Sabi ko sa handler ko, ‘Punuin mo ng trabaho ang schedules ko.’ Pinuno nga niya.
“Sabi ko, mas okay na ganito, start the year na focusing on myself.
“Sa tingin ko, okay naman.
“It’s a good thing na nangyayari ito sa akin ngayon. Iniisip ko muna ang sarili ko.”