Tumanggap si Yeng Constantino ng Honorary Licentiate Diploma mula sa Rock School London sa graduation rites ng Academy of Rock Singapore noong March 2 and 3.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Yeng last Monday, March 4, sa Star Magic office, ikinuwento ng singer ang naging karanasan niya dito.
Umpisa niya, “Nagpunta ako ng Singapore at ako ay tuwang-tuwa na nakatanggap ako ng Honorary Licentiate diploma from the Rock School London na ginanap sa Singapore.
“Pinarangalan nila ako dahil sa pagiging musikero ko at performer.
“Sobrang nakakatuwa na makatanggap ng ganoong appreciation galing sa ibang lahi… nakakataba ng puso.”
LICENTIATE.
Noong umpisa, hindi malinaw kay Yeng kung anong karangalang ibibigay sa kanya. Aniya, “Di ko naintindihan talaga noong una kung para saan yung diploma ko. “Kailangan kong ipa-explain, kasi antimano, binibigyan ako ng ganito… tapos nakatoga pa nga kami. “Nandoon yung mga teachers ng Academy of Rock Singapore at sa ibang parte ng mundo.
“Hinonor din sila for being excellent teachers teaching the kids. “Ako as a performer for Asia, ayun, binigyan ako ng Honorary Licentiate Diploma. “Tuwang-tuwa naman ako na nakita nila yun. "Di ko maintindihan, alam mo yung ginagawa mo. “Yung ginagawa mo, dahil mahal mo yung ginagawa mo, for them to appreciate it, kakaibang emosyon… kakaibang saya. “Sobrang overwhelmed, dalawang araw akong mulat. "Pagdating ko ng Singapore kanina, di ako makatulog.

“Nag-tweet pa ako… yung pakiramdam na di ka makatulog kasi dilat lang talaga ako.”
NOMINATION. Sino ang mga namili para mabigay sa kanya ang karangalang ito?
“Ang mga namili ay yung mga board of directors ng Rock School [London] and Academy of Rock in Asia and Rock School Europe—sila yung namili.
“Istorya niyan, nagtayo sila ng school dito sa Philippines… Rock School Philippines, na tinayo sa Rockwell.
“Ginamit nila na kanta yung kanta kong 'Salamat,' pinakanta nila ako sa launching, pinakanta pa nila ako ng isa pang kanta.
“After noong performance, natuwa lang sila sa performance ko.
“Tapos, inayos nila, tapos sinabi nila, ‘Let’s bring her to Singapore.’
“After ilang months, nagulat ako, ‘Uy, seryoso pala talaga sila doon.
“After a year, early last year din kasi yun, natupad nga. Dinala nila ako doon, tapos hinonor nila ako.”
FIRST FILIPINO RECIPIENT. Masaya ring ikinuwento ni Yeng na siya ang kauna-unahang Pinoy na nabigyan ng Honorary Licentiate ng Rock School London.
“Ako yung kauna-unahan sa Philippines na mabigyan ng ganitong klaseng diploma. “Nakakatuwa nga, kasi sa 15 or 17 years nila sa industry nagpapa-exam, nagbibigayan ng mga syllabus sa mga music schools… “Seven times pa lang daw sila nagbibigay at pang-seven pa lang ako.” Inamin din ni Yeng na malaki ang naitulong na sumali siya sa Pinoy Dream Academy at sa pagkapanalo niya bilang Grand Champion. “Pinoy Dream Academy, yung pinanggalingan ko na singing contest, academy siya, tinuruan kami doon—performance, kung paano mag-host, mag-acting, dancing, singing, vocalization—everything. “Tinanong nila ako, sabi ko, doon ako nanggaling.
Sabi nila, ‘That’s good!’ “Gusto nga raw nila mai-share din sa mga batang musikero.” DEVELOPMENT. Bilang kinikilalang rocker, masaya si Yeng sa layunin ng Academy of Rock Philippines. “Nakakatuwa kasi yung Academy of Rock, ang desire nila for the rock industry na mas mapaganda pa.

“Di lang puro ingay, may laman talaga—musically excellent din.”
Para kay Yeng, ang natanggap na award ay pagpapatunay na walang imposible kapag nagsimula ka sa pangarap.
Sabi niya, “Inspirasyon… mas inspirasyon ang nararamdaman ko sa puso ko kaysa pressure.
“Naniniwala ako na pag nangarap ka at natupad mo ang pangarap mo, magbi-birth ka ng panibagong pangarap, e.
“Ganoon talaga ang nangyari. Pag ako ay nangarap, gusto kong gawin ang lahat para dito.
“Hindi lang para sa akin, para din sa next generation ng musikang Filipino.
“Aminin naman natin, sobrang galing ng Pinoy, wala tayong pormal na pag-aaral.
“Pero nandoon yung talent, so yun ang desire ko sana din…
“Maging way ito para makapagbukas din sa iba nating mga kababayan.”