Sunday, July 7, 2013

Judy Ann Santos admits she is playing one of the hardest roles of her acting career


 As one of the top Primetime Bida shows, Huwag Ka Lang Mawawala's ratings have continually gone up as audiences tune in to watch the saga of Anessa, Eros, and Alexis. Judy Ann Santos who plays Anessa admitted she is playing one of the most challenging roles in all her years in show business. “Unang una, nung prinopose sa akin itong project na ito, hindi lang kasi siya basta action compared to kung superhero teleserye siya and Basta’t Kasama Kita na pulis ako doon. Eto kasi, pumasok lang yung action kasi kinailangan. Hindi siya talaga yung buod nung kuwento. Lumabas lang yung pagiging matapang nung character ko nung mawala lang yung anak niya sa kanya,” she explained. For her role, Juday learned the art of Israeli self-defense. “Krav Maga yung gagamitin naming martial arts dito to showcase din sa mga viewers lalo na sa mga kababaihan kung ano yung self-defense na puwede nila pasukin to protect themselves,” she said. Apart from her current role as a battered wife in Huwag Ka Lang Mawawala, Juday recalled another challenging moment in her career when she was doing the fantaserye Krystala in 2004. “Actually ang pinakamahirap yung magsuot ka ng tights na 26 years old ka eh, sa Krystala. Hindi ako makapaniwala na napagawa ako ng ABS-CBN ng ganyan (laughs). Hindi ako makapaniwala na nakapag-tights ako at 26 years old. Napakakulay talaga. Wala akong pinagsisihan sa bawat serye na ginawa ko dito. Sobra akong nag-enjoy sa lahat ng kasama ko sa trabaho at napagdaanan ko kasi marami akong nakasama, marami akong natutunan and it really made me a better person, a better actor kasi marami akong napag-kumparahan na mga taong nakasama ko. At saka na-realize ko kung ano yung mga bagay na hindi ko dapat ginagawa sa mga kasama ko dahil ayoko ring ginagawa sa akin. Lahat yan natahi ng dahil sa napakakulay at napakabusog na mga trabaho na binigay nila sa akin. Wala talaga akong masasabi,” she shared. For her newest soap, Juday said hopes she can satisfy the audience's expectations of her. “Pero mahirap itong HKLM sa salitang hindi mo alam kasi kung ano ang i-e-expect ng tao sa ‘yo sa programang ito. Nag-e-expect ba sila ng mas malalim, nag-e-expect ba sila ng ibang klaseng acting. Yung mga ganung klaseng tanong. At saka kung kaya ko pa ba itong itawid. Sa bawat araw na nag-te-taping ako, nagsisimula ako ng dasal kasi talagang hindi ko alam kung paano ko siya itatawid na hindi ako nanganganay pero nung first taping days namin, sobra akong takot na takot, sobra akong kabadong kabado,” she revealed. Juday said she was not used to the feeling of having some difficulty doing a crying scene. “Nanganganay ako ako ng bonggang bongaa. Hanggang magkaroon ako ng breakdown scene na hindi ako makaiyak kasi masyado akong napapasaya. Yung hindi ako maiyak kasi hindi mo na alam kung saan ka pa huhugot ng lungkot na ganun. Inisip ko, ‘Bakit ako nahihirapan? Dati naman hindi ako nahihirapan. Ibig sabihin ba dati palagi akong malungkot?’ May ganun kasi dati isang pikit lang nakakaiyak ako, nakakapagpatulo ako ng luha. Ngayon hirap na hirap ako kasi parang hindi ko na kayang i-detach yung sarili ko sa personal at professional. Parang ngayon pa lang ulit ako nasasanay, ngayon pa lang ako nakakabalik with the help of directors, talagang ang tinding pagbabago yung kailangan ko gawin kasi meron akong kailangan patunayan,” she said.

Receive all updates via Facebook. Just Click the Like Button Below

?

Powered By | Gadgets Via Blogger Widgets