Friday, March 29, 2013

Yeng Constantino gets emotional because of her recent achievements


Hindi napigilan ni Yeng Constantino ang maiyak sa katatapos na MYX Music Awards 2013 na ginanap sa Music Museum noong March 20. Sabi ng Pop Rock Princess, pangatlong pagkakataon na raw niyang maparangalan bilang Favorite Female Artist sa MYX Awards. “Sobrang sunud-sunod lang kasi ang biyaya ni God sa akin. Overwhelmed ako. Para lang akong batang binigyan ng bagong regalo. Sobrang naiiyak lang ako,” masayang paliwanag ni Yeng. Tinukso rin si Yeng na bihira ang mga pagkakataong makita siyang umiiyak. “Sobrang tough nga ako, eh pero sobrang na-strike talaga ang heart ko tonight. Thankful lang talaga ako sa Diyos. Siya na talaga. Sobrang faithful Niya talaga sa akin. And ‘yung mga taong nakaka-appreciate sa music ko, sobrang salamat po.” Sa puntong ‘yon ay humingi muli ng paumanhin si Yeng dahil sa patuloy na pagdaloy ng kanyang luha. “Sobrang gustong-gusto ko ‘yung ginagawa ko na kumakanta ako, tsaka sumusulat ako ng kanta at ‘yung may mga taong gusto ang ginagawa.” Just last March 1, tumanggap din si Yeng ng parangal mula sa Academy of Rock sa Singapore at binigyan siya ng Honorary Licentiate Diploma.

Siya ang ipinadala sa graduation rites ng mga estudyate ng nasabing music school sa Singapore dahil siya ang ambassador for the Philippines franchise ng nasabing music school. “Sobrang nai-inspire pa ako na gumawa pa ng maraming kanta, tsaka ‘wag matakot na sumulat nang sumulat, kasi alam ko na marami akong bata na nai-inspire. Gusto ko na maka-inspire pa ako na ituloy itong ginagawa ko,” pahayag niya.” Isa pa raw dahilan kung bakit naiyak sa galak si Yeng ay dahil sa pagiging number two ng kanyang album na Metamorphosis sa best-selling album sa chart ng pinagsamang local at international albums sa music stores sa bansa. “Grabe! Sobrang overwhelmed po talaga ako. Sabi nila mahirap na raw makabenta ng 50 CDs ngayon sa mall show, [pero] nakakabenta ako 150, 130 CDs. Wow! Sobrang miracle ‘yon kahit mall shows lang. Pagkatapos ng mall show ko, ang haba ng pila. Ang daming bumibili ng album. Tapos nag-number two pa, overall-hit chart sa malls, [second] best-selling album ang album ko kasama ‘yung foreign. Di ko alam ang nararamdaman ko.” Sa sunud-sunod na magagandang nangyayari sa career ngayon ni Yeng, naitanong ng Push.com.ph sa kanya kung ano sa tingin niya ang ginagawa niyang tama para magtagumpay siya. “Sa totoo lang po, alam ko po na maraming magaling at mas maraming maganda, pero ‘yung pananampalataya sa Diyos kasi… hindi ko po ito kaya na ako lang. Kasi po Siya po talaga ‘yon, eh,” pagbabahagi ng singer. “Lahat ng meron ako ay dahil sa Kanya.” Ayon pa kay Yeng, ginagamit daw niya ang talentong ibinigay ng Diyos sa kanya para makapag-entertain ng iba. “’Yung talent na meron ako, ‘yung pagsusulat ko [ng kanta], kung ‘di Niya ito ipinahiram sa akin, wala lahat. Kung ano ang ipinahiram sa akin ni God na talent, ibinabahagi ko lang sa tao and I think that's what God wants. For you to shine and to impart what He has given to you and if you will not be afraid… hayaan mo lang na lumiwanag ‘yung ilaw na inilagay Niya sa heart mo because that’s who you are. That's what God created you to be. You are destined to be great and once you believe that, sobrang lalo ka pang pagpapalain ng Panginoon kasi you’re not doing it for yourself; you’re doing it for His glory… Dini-dedicate ko itong award na ito kay God. Sobra, Siya lang talaga.” Nais pa daw niyang ipagpatuloy ang paggawa ng musika para maka-inspire rin sa mga kapwa niya musikero. Sana ay maging instrument pa raw siya para magbukas ng mga pinto para sa mga kapwa Pilipinong musicians at umabot sa international music scene. “Kung kaya ng iba ‘yon na nakakapasok sila sa bansa natin, kaya din natin makapasok sa bansa nila and maa-appreciate ang ganda at galing ng Pinoy.”

Receive all updates via Facebook. Just Click the Like Button Below

?

Powered By | Gadgets Via Blogger Widgets