As part of the new batch of hosts in I Dare You, former Pinoy Big Brother housemate Deniesse Aguilar admitted she was nervous when she first found out that she would be working in a challenge with controversial actor Baron Geisler. “Nung una talaga, sorry pero takot ako sa kanya nung una. Sinumbong ko pa yan sa mga staff kasi nga yung image niya. Tapos dun ko naisip na ay ang judgmental ko. Dun ko na-realize nung nagkakasama na kami ng matagal na how dare me, ang judgmental ko, paranga hindi naman dapat ganun. Dun ko siya na-appreciate na gentleman naman pala siya, may paninindigan siya and hindi talaga siya uurong sa hamon. Kung anong ibigay niyo sa kanya gagawin niya talaga para lang makatulong,” she admitted.
The two trained for a month to become volunteer firefighters under TextFire Philippines for the show which gave Deniesse a chance to get to know their celebrity guest better. “Nung nakasama ko si Baron dito, napakita niya yung ibang side niya and dun ko siya nga mas na-appreciate. Kasi ang tagal na niya sa industriya eh pero yung treatment niya dun sa Bidang Kapamilya parang tropa niya. Hindi niya iniisip na artista siya na dapat respetuhin siya o iba dapat yung kinakain niya. Hindi siya ganun. Yung mga kasama namin sa TextFire inaakbayan niya, tinatawag niyang 'brad.' Nakikipagkuwentuhan siya, gusto niyang malaman yung story nila lalo, hindi lang yung ikikuwento on-cam,” she explained.
Deniesse, who joined Pinoy Big Brother in the same batch as Slater Young, said she is still feeling overwhelmed at being asked to host I Dare You along with Robi Domingo, John Prats, and Melai Cantiveros. “Sa totoo lang, kinikilabutan pa rin ako at saka yung emotion ko na sobrang taas na parang ang laki naman agad na binigay sa akin na tiwala ng mga staff ng I Dare You kasi ito talaga yung first show ko, hindi nga lang siya yung unang umere pero sila yung unang nagtiwala sa akin so para gawin niyo ako agad na host, malaking bagay sa akin yun kasi may naniniwala sa akin. Thankful ako kasi sinet nila agad yung standard na ganun agad ako, and learning experience siya para sa akin, hindi siya basta exposure eh. Nag-grow ako as a person so dun ako very thankful sa kanila. Natutuwa talaga ako na binigyan ako ng opportunity kasi wala naman akong experience. Tinapat agad ako dun sa mga marurunong na gaya ni Robi, si kuya John and si Ate Melai na maboka at alam naman natin yung kapasidad niya, magaling siya,” she admitted.
Although she was first known in showbiz as Deniesse Joaquin, the pretty host explained the reason for changing her screen name to Aguilar. “Si Mr. M (Johnny Manahan) at Star Magic talaga yung nagbigay sa akin ng screen name kasi nga may Denise Joaquin na before. Kineep pa rin naman nila yung first name ko, same spelling and then pinalitan lang ng Aguilar since wala namang artistang may Aguilar na surname ngayon ata. Hindi po ako nagpakasal, hindi rin ako nagpapapalit sa NSO ng surname, hindi ko ito choice (laughs). Talagang binigyan lang ako ng surname ni Mr. M,” she explained.