Tuesday, February 26, 2013

Sarah Geronimo on hugging Kim Chiu: "Kailangan ni Kim yun... ng yakap. At kailangan ko rin yun. Kailangan namin sa isa’t isa!"



Kumalat sa Internet ang larawan nina Sarah Geronimo at Kim Chiu habang magkayakap.

Kuha ang larawang ito sa backstage ng SM MOA Arena habang ginaganap ang grand finals ng Himig Handog 2013 noong Linggo, February 24. Isa si Kim sa hosts habang si Sarah naman ang isa sa mga hurado.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sarah sa unang araw ng kanyang taping ng bago niyang programa sa ABS-CBN, ang Sarah G Presents, kahapon, February 25.

Tinanong namin siya tungkol sa larawang nagyayakapan sila ni Kim na unang nai-post sa Instagram account ng stylist na si Kimi Yap.

Sa unang tingin ay wala namang ibang kahulugan ang yakapan na ito nina Sarah at Kim dahil normal itong ginagawa ng mga artista o maging ng mga ordinaryong tao kapag nagkikita.

Ngunit sa kaso nina Sarah at Kim ay may malalim na kahulugan ito.

Bukod sa pagiging pareho nilang Kapamilya stars, kapwa rin silang naugnay sa young actor na si Gerald Anderson

Si Kim ay ex-boyfriend ni Gerald, habang si Sarah naman ay hayagang niligawan ng young actor.

Ito ang dahilan kung bakit nagkainteres ang marami sa larawan nilang ito.

 Sabi ni Sarah tungkol sa yakapan nila ni Kim, “Oo… sabi ko, kailangan ni Kim yun... ng yakap. “

At kailangan ko rin yun. Kailangan namin sa isa’t isa!

 “Pero yun naman, e… basta, gusto ko lang talaga siyang yakapin.”

 Paano nangyari? “

Hindi... nang makita ko siya pagkarating ko… nauna kasi ako, sumunod na siya.

“Tapos, parang bebeso lang siya tapos tumayo ako. “

E, gusto ko lang siyang i-hug.

” Totoo bang naging emosyunal siya nung oras na iyon? “

Medyo ano, teary-eyed,”  pag-amin ng singer-actress.

 Bakit siya naging emosyunal?

 “Tinatanong n’yo pa, e!” natatawang sagot ni Sarah. Pero hindi na niya sinabi kung anuman ang napag-usapan nila ni Kim noong sandaling iyon.

 Tinanong ng PEP si Sarah kung naramdaman at nakita niyang na-appreciate naman ni Kim ang naging gesture niya ng pagyakap dito. Sagot niya, “Sana, sana naman po.”

 Posible kayang simula na ito ng “friendship” sa pagitan nila ni Kim?

 “Sana, pero alam ninyo, ang friendship, ano ‘yan, e, kailangan may time talaga ‘yan para mapatunayan na totoo.

 “Ayaw natin na dahil lang hinihingi ng sitwasyon o nagkataon lang.”  Sa nangyaring pagkikita at pagyayakapan nila ni Kim, closure na rin ba iyon sa mga naging isyu at intriga sa pagitan nila noon?

 “In a way, opo,” sagot ni Sarah.

 “Iba rin kasi ang peace.

“Dahil noong kainitan ng isyu na yun, siyempre gustung-gusto ko siyang yakapin o i-comfort.

 “Masarap lang sa pakiramdam na nai-express ko rin kay Kim yung gusto ko.”


Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kanya, mas lalo ba niyang masasabi na tama ang payo ng kanyang mga magulang?

 Sagot ni Sarah, “Matagal na ‘yan, matagal na ‘yang realization na ‘yan. Pero, oo naman po.”


Source: http://www.pep.ph/news/37624/sarah-geronimo-on-hugging-kim-chiu-kailangan-ni-kim-yun-ng-yakap-at-kailangan-ko-rin-yunkailangan-namin-sa-isarsquot-isa-/1/3

Receive all updates via Facebook. Just Click the Like Button Below

?

Powered By | Gadgets Via Blogger Widgets