Matatawag na isang milagro ang nangyari sa anak ng dating Viva Hot Babe na si Andrea del Rosario dahil sa pinagdaanan nitong malubhang sakit noong ipinanganak niya ito.
Ngayon ay isang malusog at masiglang bata na si Beatrice, who will turn three years old this year.
Bilang pasasalamat sa patuloy na paggaling ng anak, naisipan ni Andrea na tumulong sa maraming bata sa pamamagitan ng Operation Compassion (OC).
Ang OC ay isang non-governmental organization na nagpapatakbo ng iFoster, isang foster care home para sa mga orphaned and abandoned children.
Naging advocacy na ni Andrea ang tumulong sa maraming bata, lalo na noong gumaling ang kanyang baby girl na si Beatrice.
MIRACLE. Nais ibahagi ng aktres ang anumang blessings na natatanggap niya sa mga bata, lalo na sa mga kasing-edad ng kanyang anak.
“I am very thankful for the miracle that God did sa buhay naming mag-ina.
“Walang makapagsabi kung masu-survive ng anak ko ang mga pinagdaanan niya.
“Pero tingnan ninyo na siya ngayon. She’s turning three this year at ang lusog-lusog niya—parang hindi nagdaan sa matinding sakit.
“That is a miracle from God at iyon ang labis na ipinagpapasalamat ko,” nangiyak-ngiyak na sabi ni Andrea nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last February 22 sa President’s Room ng Manila Polo Club in Makati City.
RARE CONDITION. Isinilang si Beatrice na may congenital condition called Jejunal atresia.
Complication ito sa small intestine lalo na sa mga bagong silang na mga sanggol.
Dumaan sa apat na operasyon si Beatrice noong two days old pa lang ito. Na-survive ng sanggol ang mga operasyon na ito at ngayon nga ay magdiriwang na siyang kanyang thirdbirthday sa Mayo. Kaya tuwing birthday ni Beatrice, hindi lang basta party ang ginagawa ng kanyang ina na si Andrea. Gusto ng aktres na makapiling ng kanyang anak ang ibang mga bata para makapag-share sila ng blessings. “Gusto ko meaningful parati ang kaarawan ni Bee,” nakangiting sabi ni Andrea.
Dumaan sa apat na operasyon si Beatrice noong two days old pa lang ito. Na-survive ng sanggol ang mga operasyon na ito at ngayon nga ay magdiriwang na siyang kanyang thirdbirthday sa Mayo. Kaya tuwing birthday ni Beatrice, hindi lang basta party ang ginagawa ng kanyang ina na si Andrea. Gusto ng aktres na makapiling ng kanyang anak ang ibang mga bata para makapag-share sila ng blessings. “Gusto ko meaningful parati ang kaarawan ni Bee,” nakangiting sabi ni Andrea.
“Hindi kami nagpa-party sa isang bonggang venue. Pumupunta kami sa mga lugar na maraming bata.
“We want to share the blessings with these kids.
“Like last year, sa Batangas kami. May isang barangay doon na maraming bata. Doon kami nag-party for Bee.
“Nakikita ko na ang saya-saya ng anak ko habang kasama niya ang mga bata doon.
“Ang sarap makitang buhay siya and enjoying her birthday with kids her age.”
FOSTER PARENT. Nasa plano rin ni Andrea na maging foster parent soon.
“Actually, nag-submit na ako ng application ko for foster care. I am just waiting for their evaluation.
“May series of interviews pa kasi ‘yan kung qualified ako to be a foster parent.
“Hindi siya mabilis na proseso because these people are careful kung kanino nila ipagkakatiwala ang mga bata.
“Lumalaki na kasi si Bee at gusto ko rin may nakikita siyang ibang bata na inaalagaan ko, the same way sa pag-alaga ko sa kanya.”
Kung sakaling ma-attach siya sa batang inaalagaan niya, balak din ba niyang ampunin ito para magkaroon na ng kapatid ang anak niya?
“Well, hindi pa naman siya naghahanap ng kapatid niya.
“Baka ako pa ang naghanap nang puwede niyang maging kapatid!” tawa pa niya.
“Kasi nga, nagkakaedad na tayo and gusto ko rin na magkaroon ng kapatid si Bee.
“Gusto ko na kapag nasa work ako at naiiwan siya sa bahay, may nakakalaro siya at nakakasama niya talaga sa pagtulog, pagkain at pagpasyal namin.
“I want her to feel na magiging ate siya someday.
“But of course, ihahanda namin si Bee sa ganyang situation.
“Nasanay kasi siya na siya yung naging center ng attention ko parati. Kaya unti-unti naming papasukin ang ibang bata sa buhay namin.
“But knowing my daughter, she loves being with other kids.
“Kaya mukhang hindi naman kami mahihirapan na magkaroon ng ibang bata sa bahay,” pagtatapos ni Andrea.