Showing posts with label Sam Pinto. Show all posts
Showing posts with label Sam Pinto. Show all posts

Saturday, March 9, 2013

Sam Pinto admits Marian Rivera is likely to give her stiff competition for FHM's Sexiest title this year

Ayon kay Sam Pinto, wala naman daw masyadong pagkakaiba ang pagtatrabaho nila ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. sa pelikula kumpara sa telebisyon. Nagkasama na sina Sam at Senator Bong sa mga nakaraang Agimat movies, at ngayon ay kasama na rin ang seksing aktres sa Indio, na pinagbibidahang teleserye ni Senator Bong sa GMA-7. “Wala naman pong masyado. I guess it’s more on the role coz dito [Indio] minsan lang namin nakikita si Sen. “Sa movie lagi ko po siyang kasama dun,” umpisang kuwento ni Sam ng makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Indio sa Cavinti, Laguna kahapon, March 7. “Of course I’m very honored to be here and be a part of this big, big, big, project! “Kasi for me… kasi I’m taking it as a challenge because yung mga diwata, magagaling kaming mag-Tagalog, e,” pag-amin niya. TONGUE-TIED. Bilang diwata ng tubig na si Lidagat, challenge kay Sam ang Tagalog lines. “Sobrang challenge,” sabay tawa ni Sam. “Mine-memorize ko talaga yung script kasi sobrang lalalim po ng Tagalog na hirap na hirap po kaming lahat.” Ang pinakamaraming takes niya sa taping ng Indio ay hindi naman raw dahil sa hirap siyang managalog. “Siguro mga five or six takes. Kasi yung unang take, nahulog ako, nadapa ako! So yung mga susunod na takes natatawa na ako before ako magsalita.” BUSY WITH SHOWS. Lagari si Sam; napapanood din siya sa Bubble Gang at Party Pilipinas. “Oo nga, e. Tapos may movie pa po, Raketeros.”

Receive all updates via Facebook. Just Click the Like Button Below

?

Powered By | Gadgets Via Blogger Widgets