Matapos na mapasabak sa heavy drama, heto’t comedy naman ang gagawin ni Andi Eigenmann.
Refreshing daw, pero nakakadama rin siya ng challenge sa nalalapit niyang paggawa ng comedy film na Oh, My Mama Mia, kasama sina Maricel Soriano, Eugene Domingo, at Billy Crawford sa ilalim ng Viva Films.
“Noong ginawa ko yung [A] Secret Affair, and yung ibang movies na ginawa ko na mas serious, parang pag tinatanong ako kung nape-pressure ako o kinakabahan, iba yung kaba.
“This time kasi, it’s a comedy, and I’ve never done that before.
“And alam ko na mas madali talagang magpaiyak ng tao, kesa magpatawa.
“All the comedians that we have, they’re really brilliant and I really admire them.
“Sobrang nakakakaba and challenging for me na makakasali ako dito, kasi nakakatakot na baka mamaya hindi pala ako nakakatawa,” pahayag ni Andi.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andi bago magsimula ang story conference ng Oh, My Mama Mia nung Sabado, March 23, sa Citybest Seafood Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.
Aminado si Andi na kukuha siya ng pointers mula kina Uge at Marya pagdating sa comedy.
“Of course. I’m gonna gather all source that I have, kahit saan man, para matuto ako.
“For me, naniniwala ako na hindi naman puwede kahit na gaano karaming beses ko nang na-experience ang isang bagay, I can never be too good, the best or expert at it.
"There’s always a room for being better, for improvement, and that’s what I want for my craft.
“I just want to be better actress, each project that I have.”
Kaya nga natutuwa raw siya sa mga proyektong natatanggap niya mula sa Viva at sa ABS-CBN na kanyang home network.
“It’s never cut down to just one thing na paulit-ulit lang. Palaging ibang-iba from the one that I did last…
“Meron akong currently na sinu-shoot ngayon.
“I shot this indie film called Coming Soon, that’s airing [showing] this summer.
"Then after that, another heavy drama about family, Nagalit Ang Buwan Sa Haba Ng Gabi.
“After that, ito naman. So, walang magkakapareho talaga. Nothing is alike. Kaya nakakatuwa.”
Nakagawa na siya ng heavy drama at comedy, sa tingin niya ba’y may ibubuga rin siya pagdating sa action movie?
“Oo naman. Kayang-kaya kong mag-action!” buong-kumpiyansang bulalas ng 22-year-old third-generation actress.
Patuloy niya, “Sure na sure akong kaya kong mag-action kaysa mag-comedy…
“Kasi… ewan ko, mahilig ako, e.
“I like to describe myself as adventurous, somehow. I like experiencing something new.
“Kaya yung action, feeling ko iba yung nadadala nun sa iyo, iba yung nabibigay nun sa ‘yo. Kaya gustung-gusto ko siyang i-try.
“Tsaka nagawa ko na rin naman siya before with Coco Martin sa Minsan Lang Kita Iibigin.”
DON’T STOP BELIEVING. Sa kabila ng pagkakaroon na ng anak at kahit galing sa masalimuot at kontrobersiyal na lovelife, nagawa pa rin ni Andi na ibangon ang sarili.
Naniniwala raw kasi siyang hindi dapat hadlang ang mga kinasadlakan niyang intriga noon para patuloy na tuparin ang kanyang mga pangarap at patuloy na mamuhay nang masaya.
Nabanggit nga ng PEP sa kanya na kahit kagagaling lang niya noon sa pagkabuntis, ilang buwan lang ang binilang ay nagka-sexy cover na siya sa isang panlalaking magasin at nag-sexy pa sa comeback movie niya noon na A Secret Affair.
“I’m just really dedicated to what I do. Ang dali para sa akin to motivate myself, to look this way and to shed-off all the weight, kasi I want to stay in this industry.
“I want to prove to people na I’m meant to stay, I’m meant to be here, and I still deserve all those other project that I had, prior to being pregnant.
“And I want to show also that just because something like that happened to me, hindi ibig sabihin na I don’t deserve to be happy and that I don’t deserve for all my dreams to come true anymore.
“I really believe that all you need to do is to believe. Just to keep believing and to never stop.
“And whatever it is that you want, you’ll get it.”
CAREER AND ELLIE. Kinumusta naman ng PEP ang lovelife ng aktres.
“Oh, I’m happy,” nakangiting sabi ni Andi.
“I’m single and I’m happy. I don’t have a lovelife. All I have is Ellie, and you know, I’ve never been this happy before,” banggit pa ng Kapamilya actress sa kanyang anak na babae.
Wala bang umaali-aligid o nagpaparamdam sa kanya?
“Meron. Pero ‘bayaan mo na sila.
“Hindi naman deadma. Pero, for me, it’s not an important aspect of my life right now. It’s not, parang…naghahanap ng relationship ngayon, hindi ko naman gustong magka-boyfriend.
“Mas gusto ko talaga na mag-prioritize ng work and kay Ellie.”
Source: http://www.EntertainmentNews