Showing posts with label krista miller. Show all posts
Showing posts with label krista miller. Show all posts

Wednesday, April 3, 2013

Krista Miller wants to talk to Sunshine


MANILA – Starlet Krista Miller said she wants to talk to actress Sunshine Cruz to clear her name and to clarify her involvement with actor Cesar Montano. Cruz confirmed that she has left the house she shared for years with husband Montano, after the actor’s alleged affair with Miller. In an interview with entertainment website Pep.ph, Miller said she and Cruz never had the chance to talk and that she would be more than willing to sit down with her. “Gusto ko [siya makausap] para at least kahit papaano magkaayos kami, magkalinawan kami sa isa’t isa. Siyempre sasabihin ko sa kanya 'yung dapat linawin. Ako hindi ko naman alam ang pakiramdam ng may asawa eh,” she said. “Kumbaga kung mabibigyan man ng pagkakataon na mag-usap kami, why not. Ako sobrang gusto ko. Babatiin ko siya. Ganun ako, kapag may kaaway ako, kahit kunyari ikaw ang may kasalanan sa akin, ako pa ang mag-a-approach sayo. Hindi ako nagtatanim ng sama ng loob,” she added. Reiterating that she never had any romantic relationship with Montano, Miller said she is totally clueless as to how and why she has been tagged as the third party in the marriage of the celebrity couple. “Sa set kasi nagkakaroon ng mga biruan pero never ko naman na-feel na gusto niya ako, hindi niya ako niligawan. Ewan ko kung bakit nagkaroon ng ganung issue... Bakit naman ako sisira ng pamilya, siyempre ako may pamilya rin ako,” she said. But amid the intrigues, Miller said she’d rather focus on her career and ignore her critics. “Talagang dedma na lang ako. Ang daming haters sa mga social networking sites pero ako dedma lang ako. Focused talaga ako sa work ko. Kasi kapag inisip mo, parang binibigyan mo lang ng problema ang sarili mo eh,” she said.



Monday, February 25, 2013

Krista Miller denies affair with Cesar Montano: "Walang katotohanan ang lahat."


Eksklusibong nakapanayam ng The Buzz si Krista Miller, ang starlet na itinuturong “third party” sa problemang kinakaharap ngayon sa pagsasama ng mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz.
Bilang baguhang artista, nagsimula raw ang 22-year-old Media Production student sa pagiging isang fan.

Mula sa pagiging extra sa ilang ABS-CBN shows, sumali rin siya sa ilang beauty at reality contests para makilala at sumikat.

Pero diin ni Krista, passion at hindi pera ang dahilan kung bakit siya nag-aartista.

Si Krista ay kasama sa pelikulang Alfredo Lim: The Untold Story, kunsaan direktor at co-star niya ang nali-link sa kanya ngayong si Cesar.

NOT IN HIDING. Mahigit isang buwan na ang nakalilipas mula nang pumutok ang balita sa pagkakaugnay niya kay Cesar, na nalaman ng publiko dahil na rin sa pagpu-post ng asawa ng aktor na si Sunshine sa Instagram ng mga mensahe at larawang patungkol kay Krista.

Ilang beses na ring sinubukang kunin ng mga miyembro ng media ang panig ni Krista ngunit ngayon lamang siya lumantad at nagsalita.
Paglilinaw niya, “Hindi naman po ako nagtago. Hindi naman po ako totally nanahimik.
“Nag-focus lang po ako dun sa work ko. At pinatapos lang din po namin ang shooting.”

Ang tinutukoy ni Krista ay ang shooting ng Alfred S. Lim: The Untold Story. 
 Wala ba sa isipan niya na hindi niya haharapin ang isyu? 
 “Hindi po,” sagot ng aspiring actress.

Receive all updates via Facebook. Just Click the Like Button Below

?

Powered By | Gadgets Via Blogger Widgets