Showing posts with label Ate Gay Ethel Booba Willie Revillame. Show all posts
Showing posts with label Ate Gay Ethel Booba Willie Revillame. Show all posts

Saturday, March 9, 2013

(UPDATED) MTRCB summons TV5 for gender-sensitivity and decorum inquiry over February 28 episode of Wowowillie

Dalawang araw makalipas ang ginawang “gender sensitivity” conference sa pagitan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at sa pamunuan ng ASAP 18 ng ABS-CBN tungkol sa “provocative” outfit ni Anne Curtis sa kanyang birthday production number nung February 24, kasunod namang sasailalim sa naturang hearing ang pamunuan ng TV5 at Wowowillie. Sa tweet ng MTRCB via @MTRCBgov kahapon March 7, sinabi nitong binigyan nila ng summon ang TV5 para sumailalim sa gender-sensitivity and decorum. Ayon pa sa tweet, “MTRCB summons ABC5 for gender-sensitivity and decorum inquiry over Wowowillie.” Sa text message na ipinadala ni MTRCB Chairman Eugenio “Toto” Villareal sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ang summon ay kaugnay sa February 28 episode ng Wowowillie. “The inquiry will be 2pm on March 13, there will be a separate ad hoc panel to hear the matter. “Feb. 28 episode plus over-all decorum and depiction of women in the show,” sabi sa text ni Chairman Villareal. Matatandaang naging kontrobersiyal at pinag-usapan ang partikular na episode na ito, dahil sa paglalabas ng galit at sama loob ng host na si Willie Revillame sa harap ng kanyang audience. Ito ay matapos na diumano’y masigawan ng kanyang co-hosts noon na sina Ethel Booba at Ate Gay. Sabi ni Willie, nagreklamo at sinigawan daw siya nina Ethel at Ate Gay dahil sa pagkatalo ng mga ito sa “Mini-Concierto” segment ng show.

Friday, March 1, 2013

Wowowillie Update: Ate Gay in, Ethel Booba out


Hindi lumabas ngayong araw, March 1, sa Wowowillie ang comedians na sina Ethel Booba at Ate Gay. Ito ay matapos ang insidenteng nangyari sa dressing room ng noontime show ng TV5 kahapon, February 28, kung saan sinigawan diumano ni Ethel si Willie Revillame.

May nakausap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) isang malapit kay Willie. Sinabi nitong sobra raw nasaktan ang TV host sa ginawa sa kanya ng dalawa lalo na kay Ethel. Ayon sa source, “Nag-sorry naman yung dalawa kay Kuya Wil, pero parang nawalan na daw ng gana itong makasama ang dalawa. “Parang ang dating daw kasi kay Kuya, walang modo, imbes na nagpapasaya lang dapat sila sa lahat ng mga tao sa audience.” Dagdag pa ng source, dahil daw sa paninita nila kay Willie dahil hindi sila nanalo, ang dating daw ay “mukhang pera yung dalawa”’ Lumalabas din daw na walang respeto si Ethel kay Willie.

ATE GAY: “I LOVE WOWOWILLIE.” Kagabi, February 28, isang malapit naman kay Ate Gay ang nakausap ng stand-up comedian sa 9th anniversary ng Zirkoh Tomas Morato. Ayon sa source, sinabi ni Ate Gay na hindi nila sinigawan si Willie. Ayaw na raw mag-elaborate ni Ate Gay kung ano ba talaga ang sinabi nila ni Ethel kay Willie, pero ang dating daw, “Na-misinterpret ni Kuya Wil ang mga pabaklang reklamo nila sa hindi pagkapanalo.” Ang tinutukoy ng source ay ang pagkapanalo ng show choreographer na si Anna Feliciano sa "Mini-Concierto" segment ng Wowowillie. Nag-sorry na raw si Ate Gay at sinabi rin nito sa PEP source na hindi nga raw sila pinag-report ngayong araw, March 1. Ang mensahe raw ni Ate Gay ay ito: “I love Wowowillie.”

WOWOWILLIE, MARCH 1, 2013. Ganado naman si Willie ngayong araw, March 1, sa opening number nito sa Wowowillie. Sa segment na “Rock and Rollin,” sinabi niya sa contestants, “Bilisan n’yo ha, ayaw ko ng pabakla-bakla dito.” Sa segment na iyon, nagkataon naman isang contestant na nagngangalang "Ethel" ang natanggal.

Natatawang biro ni Mariel, “Akalain mong si Ethel ay na-out.” Natatawa ring sabi ni Willie, “Out na talaga siya, out!”
Pero sabi rin ni Willie, “Dapat walang pikunan.” So, out na ba talaga si Ethel sa Wowowillie? Sagot ng source ng PEP, “Parang ganun. Si Ate Gay, ramdam ko lang, baka makabalik pa.” Tuloy pa rin daw sa show ang segment na “Cash-Salo” pati ang “Mini-Concierto” pero iba-iba na ang guests nila araw-araw.

Receive all updates via Facebook. Just Click the Like Button Below

?

Powered By | Gadgets Via Blogger Widgets