Wednesday, August 14, 2013

Kim Chiu details incident with 'snubbed' fan


MANILA -- Actress Kim Chiu admitted that she was hurt when she was accused of being a snob to her fans. Appearing on "KrisTV" on Wednesday, Chiu related in detail the incident when she allegedly snubbed a fan at a supermarket in Taguig City. "Sunday ako nag-S & R after 'ASAP' kasi wala na akong food sa house. Ang daming nagpa-picture sa akin, tapos sasabihin nila snob ako. Kahit nga may kausap na ako sa cellphone sige picture-picture tayo, lalo na 'yung mga kids sobra silang natutuwa. Tapos may isa lang, isa lang, naging big deal pa siya," Chiu told "KrisTV" host Kris Aquino. "Sobra akong na-sad umiyak ako sa phone. Kasi mukha silang mayayaman tapos may yayas na naka-uniform na nakapaligid. Tapos feeling ko siya yung tita, kasi 'yung mommy parang nasa gilid lang. Tapos 'yung tita (sabi), 'Si Kim Chiu, you know her?' Tapos 'yung batang lalaki at babae, maliliit, tinutulak niya. 'It's Kim Chiu, take a picture with her.' Parang 'yung mga bata, 'ayaw ko, ayaw ko.' Hindi ba parang si Rain 'yung pamangkin ko, pipilitin na magpa-picture kahit di niya kilala, eh di wag na." "So yun ang sabi ko. 'Kayo na lang po.' Pinipilit niya, pinipilit 'yung bata. Tapos ako parang, 'Mamimili pa po kami. Magsasara na po. Ano po ang gagawin natin?' Tapos 'yung damit ng batang lalaki naluslos dito (sa kwelyo), lumuwag kasi hawak ng batang babae at ayaw niyang lumapit sa akin at hinihila niya 'yung kapatid niya. So sabi ni Ate Lakam (Chiu's sister) sa akin, 'Ate halika na, halika na.' Tapos nagpa-picture 'yung mommy at anak niyang girl. Tapos 'yung lalaki ayaw niya talaga. So nag-picture kami at umalis na kami. "Tapos nagkita kami sa counter, sa bayaran, at noong nasa counter kami lumapit 'yung tita at the baby girl kasi uulitin niya daw ('yung picture). Eh ayaw naman talaga ng batang babae, nawala na nga 'yung lalaki. Pinipilit pa din siya, parang 'halika picture ka it's Kim Chiu, it's Kim Chiu you saw her on TV it's Celine.' So okay ayan na naman sila at tinginan kami ni Ate Lakam. Eh ayaw talaga ng bata, hinhila talaga siya. So deadma, magbabayad na lang ako. "So si tita na alta she wrote sa FB, screengrab, tapos kumalat na sa fans, 'Kim, totoo ba ito? Na-sad naman kami.' Parang 3 a.m. nagising ako. Sabi ko isa lang 'yung di ko pinansin naging big deal. Sa dinami dami ng nagpa-picture, ginawa ng big deal. Na-sad ang fans. Tapos parang sobrang harsh nung sumulat. Akala niya one of Cebuanas ako di ba Cebuana happy happy, smiling face pero hindi daw sobrang sungit," Chiu said. In the end, Aquino advised Chiu to go to the supermarket in the morning as there are not too many shoppers at that time. "Tinuro sa akin kasi may friends ako na may-ari ng mall to go before lunch. Most of them open 10 in the morning. Nakakapag-supermarket ako kasi nagpupunta kami ng 10 or 10:30 in the morning. Tapos by 12 noon dapat tapos kasi doon na 'yung papasok na tao. Kahit sa mga tindihan kinakarir ko na ganoon kaming oras bibili para wala akong ma-offend at ako happy ako sa nagawa ko natapos. Kasi gets kita, I love supermarkets," Aquino told Chiu.


Receive all updates via Facebook. Just Click the Like Button Below

?

Powered By | Gadgets Via Blogger Widgets