Matapos ang box-office success niya with John Lloyd Cruz sa pelikulang “It Takes A Man and A Woman,” bagong challenge naman sa kanyang career ang kinakaharap ni Sarah Geronimo bilang isa sa mga coach ng “The Voice of the Philippines.” “Lagi akong nanonood ng ‘The Voice,’ paano sila magbigay ng mga comments, mga terms na ginagamit nila concerning yung musicality para maayos pang naibibigay na komentong maibibigay dun sa mga auditions. The hardest part actually yung paano mo bigyan ng komento yung hindi pumasa. Actually lahat kami (na coaches) nag-aagree doon.”
Marami pa rin nagtatanong tungkol sa buhay pag-ibig ng Popstar Princess at aminado naman ito na namimiss din niya ang feeling ng being in-love. “Oo naman no. May mga pagkakataon na nalulungkot ka. Na naiingit ka. You know, at the end of the day kelangan mo intindihin na meroong tamang panahon para sa pag-ibig. At sabi ko nga the next time I fall in love sana totoo na talaga kahit ilang taon ako maghintay basta totoo ang pagmamahal. Kahit ‘di mag-work out, mag-fail at least naramdaman ko yung totoong pamamahal. Maraming nagsasabi na kailangan may ideal man ka, may standards ka okay din yun, pero kasi ang pag-ibig di mo plinaplano yan eh. ‘Di mo talaga masasabi kung kanino ka ma-iin-love.”
Dagdag pa ni Sarah, mahalaga din sa kanya na aprubado ng kanyang parents ang susunod niyang relasyon. “Napaka-importante ang say ng mga magulang. Importante sa lahat, ayoko nang gawin yung mga pagkakamali ko in the past. ‘Yun lang naman, ‘yun i-honor ko din naman kung anong gusto nila.”
Nang tanungin kung posible bang magkabalikan sila ng ex niyang si Rayver Cruz dahil single na din ito ngayon matapos ang break up nila ni Cristine Reyes, simple lang ang isinagot ni Sarah. “Ayoko ko pong magcomment tungkol diyan. Tapos na ‘yun, okay kami, nagbabatian naman kami, ‘yun tama lang, sige lang. ‘Yun na yun.”
Tuesday, April 23, 2013
Receive all updates via Facebook. Just Click the Like Button Below?
?
Powered By | Gadgets Via Blogger Widgets