Hindi raw talaga kontrabida ang papel na ginagampanan ni Saab Magalona sa GMA-7 afternoon dramaserye nilang Forever.
Pero pinaalala ni Saab nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping nila sa De Ocampo Hospital noong Miyerkules na siya ang talagang girlfriend ni Pato (Geoff) sa Forever bago pa nito makilala si Isadora (Heart). TYPECAST AS KONTRABIDA? Sanay kasi na napapanood si Saab bilang kontrabida sa mga teleseryeng nagawa niya. Kahit siya, ang natatandaan na lang niya na mabait daw na role niya ay yung teen show pa nila noon na Lip Gloss sa TV 5. “Para sa akin, si Laila kasi, hindi naman talaga siya masamang tao. So, malabo talagang maging kontrabida siya. Nalaman na rin niya kung sino si Isadora. Nalaman na niya na mahal siya ni Pato.” Dugtong pa niya, “Kaya gusto ko rin naman ang story kasi, si Isadora, may pagka-kontrabida siya. “Inapi niya 'ko, pero, hindi naman niya kasalanan dahil hindi niya alam. E, wala siyang magagawa kasi, yun ang soul mate niya. “Actually, si Isabel Oli talaga ang kontrabida. Kami naman, talagang wala, e, nagmahal lang.” Hindi pa rin daw alam ni Saab kung ano ang mangyayari sa ending. Lalo na raw sa karakter niya na ang dami na nga raw na nangyayari. “I honestly don’t know kung magkakatuluyan kami o kung puwede akong mamatay. “Pero, I can say na may plans na magpakasal sina Laila at Pato. Kung mangyari yun, hindi ko pa talaga alam kung paano nila i-e-end.” Mula sa mga kontrabida roles niya, meron kaya talagang conscious effort sa part niya na mag-shift siya sa mabait na roles naman? “Not at all,” mabilis niyang sagot.








