Showing posts with label Rochelle Pangilinan. Show all posts
Showing posts with label Rochelle Pangilinan. Show all posts

Thursday, February 28, 2013

Rochelle Pangilinan on boyfriend’s long-delayed marriage proposal: “Siguro may dahilan… baka hindi pa time.”


Balak na dati ng boyfriend ni Rochelle Pangilinan na si Arthur Solinap na mag-propose ng kasal sa girlfriend niya ng limang taon. Hindi nga lang niya ito naituloy dahil may three-year contract pa si Rochelle sa GMA-7.



Nakasaad kasi sa kontrata ni Rochelle na hindi siya dapat mag-asawa pa o mabubuntis. May panghihinayang ba si Rochelle na hindi natuloy ang proposal sa kanya ni Arthur? Sagot ng dancer turned actress, “Hindi naman. Kasi kami, come what may, e. “Parang ano naman kami, hindi naman kami yung kailangang kasal agad… parang ganoon. “Hindi natuloy… siguro may dahilan… baka hindi pa time.” Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Rochelle sa Lola’s restaurant noong Martes, February 26. ENDURING. Sa five years na tumatakbo ang relasyon nila ni Arthur, ano kaya sa palagay ni Rochelle ang sikreto nila? Tugon niya, “Bukod sa pagiging maka-Diyos, siguro masayado kaming open sa isa’t isa, wala kaming isinisikreto. “Tapos lahat ng okasyon, ipinagdiriwang namin.” So may monthsary celebration din sila? “Hindi naman. Yun lang… Valentine's, birthday, Christmas... “Hindi puwedeng hindi kami magkasama sa mga okasyon na yun, lalo na pag anniversary namin.” LOTS OF CHILDREN. Sabi rin ni Arthur, gusto niya ng maraming anak para masaya ang pamilya, okay ba ito kay Rochelle? “Oo nga, e. Aso lang ang magiging dating namin!” natatawang biro niya. “Pero ang gusto ko kasi, dalawa o tatlo lang. Kasi mahirap, e.

Receive all updates via Facebook. Just Click the Like Button Below

?

Powered By | Gadgets Via Blogger Widgets