Showing posts with label Rico Blanco Barbie Almalbis. Show all posts
Showing posts with label Rico Blanco Barbie Almalbis. Show all posts

Wednesday, February 27, 2013

Rico Blanco at Barbie Almalbis, tiwala sa husay ng OPM artists kahit dagsa ang foreign acts sa bansa


Matagal nang usapin sa industriya ng musikang Pilipino ang patuloy na pagdami ng mga dayuhang performer na nagtatanghal sa malalaking concert venues dito sa bansa. Dahil dito, hindi maiwasan na may ilang kababayan na mag-isip na baka hindi na pumapatok sa panlasang Pilipino ang mga OPM song. Mayroon ding nagsasabing naghihingalo na ang musikang Pilipino, pero mayroon ding nagsasabing hindi. Noong nakaraang taon, mahigit 50 ang international acts ang dumayo at nagtanghal sa malalaking concert venues sa bansa gaya sa Smart Araneta Coliseum, Mall Of Asia Arena, at maging sa Cebu. Ilan sa mga foreign act na dinumog ng mga Pinoy music fans ay kontrobersyal na "Monster Ball Tour" ng pop artist na si Lady Gaga; ang "Overexposed Tour" ng bandang Maroon 5; at "Dance Again Tour" ni Jennifer Lopez. Pumatok din ang lumalawak na fan base ng mga Korean Pop group o mas kilala bilang K-Pop music. Pero hindi lang naman mga banyagang performer ang nagpasiklab noong nakaraang taon. May ilan ding tayong local artists na nag-concert sa mga malalaking venue. Kabilang dito ang concert ng pinagsama-samang mga banda na Rock Loqal na ginanap sa SM Mall Of Asia Grounds; ang Silver Anniversary concert ni Regine Velasquez, at ang reunion concert ng Eraserheads. Pagdagsa ng foreign acts Para kay Barbie Almalbis, hindi naman naapektuhan ng patuloy na pagdagsa ng mga foreign act sa bansa ang kanyang musika. "Ako naman kasi I enjoy all kinds of music.

Receive all updates via Facebook. Just Click the Like Button Below

?

Powered By | Gadgets Via Blogger Widgets