Saturday, March 9, 2013

(UPDATED) MTRCB summons TV5 for gender-sensitivity and decorum inquiry over February 28 episode of Wowowillie

Dalawang araw makalipas ang ginawang “gender sensitivity” conference sa pagitan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at sa pamunuan ng ASAP 18 ng ABS-CBN tungkol sa “provocative” outfit ni Anne Curtis sa kanyang birthday production number nung February 24, kasunod namang sasailalim sa naturang hearing ang pamunuan ng TV5 at Wowowillie. Sa tweet ng MTRCB via @MTRCBgov kahapon March 7, sinabi nitong binigyan nila ng summon ang TV5 para sumailalim sa gender-sensitivity and decorum. Ayon pa sa tweet, “MTRCB summons ABC5 for gender-sensitivity and decorum inquiry over Wowowillie.” Sa text message na ipinadala ni MTRCB Chairman Eugenio “Toto” Villareal sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ang summon ay kaugnay sa February 28 episode ng Wowowillie. “The inquiry will be 2pm on March 13, there will be a separate ad hoc panel to hear the matter. “Feb. 28 episode plus over-all decorum and depiction of women in the show,” sabi sa text ni Chairman Villareal. Matatandaang naging kontrobersiyal at pinag-usapan ang partikular na episode na ito, dahil sa paglalabas ng galit at sama loob ng host na si Willie Revillame sa harap ng kanyang audience. Ito ay matapos na diumano’y masigawan ng kanyang co-hosts noon na sina Ethel Booba at Ate Gay. Sabi ni Willie, nagreklamo at sinigawan daw siya nina Ethel at Ate Gay dahil sa pagkatalo ng mga ito sa “Mini-Concierto” segment ng show.

Tinanggal na sa show si Ethel, habang si Ate Gay naman ay hindi pa bumabalik. PROGRAM, NOT PERSONALITIES. Paglilinaw sa mga sumunod pang tweets ng MTRCB, “MTRCB’s jurisdiction is principally over the program, not particular personalities in a show.” Dagdag pa nito, “In calling ABC5, the MTRCB cites its MOU with former and other networks on the Portrayal of Women in Media and Film.” Ang tinutukoy na MOU sa tweet ay ang Memorandum Of Understanding na ibinigay ng board sa mga nauna nang ipinatawag na TV networks. Ayon pa sa ahensiya, marami raw reklamong nakarating sa kanila na lumalabag sa “GMRC”—Good Moral and Right Conduct na isang subject na itinuturo sa lahat sa mga paaralan sa Pilipinas. Saad pa sa tweet, “MTRCB bombarded with ‘GMRC’ complaints thru social media over ABC5 noontime show.”

Paglilinaw pa nila, papakinggan nila ang lahat ng panig na sangkot. Nakasaad pa sa tweet ng ahensiya ngayong araw, March 8, “As in all cases, the MTRCB shall endeavor to hear the side of all parties concerned.” Nakipag-ugnayan na ang PEP sa pamunuan ng TV5 at Wowowillie upang makakuha ng statement o reaksyon tungkol sa MTRCB summon sa kanila. Ibinalita rin ng MTRCB na sa Linggo, March 10, sasailalim na rin ang Party Pilipinas ng GMA-7 sa “gender and development” seminar. Ito ay kaugnay naman sa production number nina Rocco Nacino at Lovi Poe sa show halos isang buwan na ang nakalipas. Dagdag pa ng MTRCB, “Party Pilipinas gender and development (GAD) seminar slated for 3pm this Sunday, Phil. Com. On Women to participate.” UPDATE: Nagpadala ng reaksyon ang Business Unit Head ng Wowowillie na si Jay Montelibano, bandang 8:50 pm, hinggil sa MTRCB summon ngayong araw. Text ni Jay: "We are governed by the guidelines of MTRCB and we have to adhere to the policies of what the panel or body seem fit. The intent of MTRCB is for our viewers to enjoy and be entertained without compromising the values and morals we show on air. Hence, we too, take it seriously." Sa kasunod namang text message ng TV5 Corporate Public Relations Head na si Peachy Vibal-Guioguio para sa PEP, bandang 9:02 pm: "Our legal department together with Wowowillie production will attend the mtg set by Mtrcb next week. Thanks."

Receive all updates via Facebook. Just Click the Like Button Below

?

Powered By | Gadgets Via Blogger Widgets