Sa likod ng pananalasang naidulot ng Bagyong Yolanda sa mga kababayan natin sa Visayas at Mindanao, ang tagumpay ng nina Nonito Donaire at Ariella Arida ay nakapagbigay ng inspirasyon at saya sa mga Pilipino.
Knockout sa ninth round ang kalaban ni Nonito na si Vic Darchinyan, isang Armenian-American, para sa titulong Junior Featherweight Champion. Sa kanyang Facebook account, iniaalay ni Nonito ang kanyang pagkapanalo sa Pilipinong na sobrang naapektuhan ng bagyo.
“It wasn’t my win tonight, it was the PHILIPPINES win. We are strong and we have faith. Thank you Lord for keeping me safe, giving me a sound mind, helping me see what needed to be done. Thank you to the Archangels and especially all the fans and Filipinos who watched despite the typhoon. I have a lot of work still to do but first I need to get the cheek x-rayed for fracture and rest. God bless!”
Dagdag pa ni Nonito sa kanyang post, “Dedicating my fight to uplift the Filipinos spirits. Our indomitable spirit has been recognized WORLDWIDE, even by CNN. Keep faith, HE will not abandon us in our time of need. Continued prayers for the Earthquake and Typhoon victims.”
Sa kanyang recorded phonepatch sa programang Kris TV, ibinahagi din ng boksingero ang kanyang naramdamang lungkot sa pangyayaring ito sa ating bansa. Aniya, “I feel very bad na maraming naapektuhan and it’s really hard to face that a lot of people that are really affected and all. The help out there is great—it’s just that there are no words to describe the sadness that coming from especially na… I just can’t find the words to really describe how I feel, the sadness that I feel.”
Ayon pa kay Nonito, ginawa niya ang lahat para kahit papaano ay makapagbigay saya at maibsan kahit na kaunti ang nadaramang hinagpis ng mga kababayan natin. “Binigay ko na lahat ng makakaya ko so that especially with what just happened, just a little something to make people happy that’s why I did everything I can to win, para manalo at hindi susuko at kahit anuman ibibigay ang lahat.”
Isinaad din ng boksingero ang kanyang kagustuhan na tumulong sa mga nasalanta ng bagyo, “All my prayers and whatever I can to help along with my team and with everyone, sa lahat ng mga Pilipino reaching out. Sana makatulong kami in every way that we can.”
Iniaalay din ng Miss Universe third Runner-up na si Ariella Arida ang kanyang naging tagumpay sa mga Pilipino nasalanta ng bagyo. Mula din sa isang recorded phonepatch sa Kris TV nagpapasalamat si Ariella sa lakas ng suporta sa kanya ng mga Pilipino. “Unang-una nagpapasalamat po ako sa lahat ng suporta na binigay nila sa akin and kagaya ng lahat ng sinasabi yung competition ko, yung laban ko sa kanila ko dinededicate especially sa kung ano ang nangyayari sa atin sa ngayon so para po sa kanila sa Philippines po.”
Hiling niya din ay sana ang nangyari sa kanya ay makapagbigay pa ng inspirasyon sa lahat na tumulong sa mga kapwa natin na nasalanta. “So sana kahit papaano yung nangyari po sa akin, yung achievement ko, nakapagbigay ng movement sa mga kababayan ko.”
Nagpapasalamat din si Ariella sa supportang kanyang natanggap mula sa mga Pilipino sa Russia. “Thank you po sa lahat ng mga Pilipino na supportive. Sa mga Pilipino po dito sa Russia, sobrang laki ng tulong na binigay niyo sa akin sa lahat ng cheers nila. And then of course sa BPCI (Binibining Pilipinas Charities, Inc.), kay Madame Stella (Araneta), maraming, maraming salamat po. Sa lahat ng sumuporta sa akin, thank you talaga.”